Biyernes, Agosto 2, 2013

Land Pollution

Land pollution is a typical problem of this world. Particularly, here in the Philippines. 
In this picture, the problem is so evident. It's so ironic to see a trash can with a background of tons of garbage. How I wish that the garbage would fit in the trash can.

This kind of pollution is the result of lack of discipline. Every citizen of this country is responsible for this kind of problem. I believe every Filipino is talented, madiskarte, may dedikasyon sa trabaho. Pero minsan nagkukulang ng pagiisip. Given na na may nakakalimutan tayong mga bagay na gawin sa buhay, but, this issue, paulit-ulit itong binabalita sa tv, sa dyaryo, sa mga documentary. 

We feel so emotional whenever we see people suffering sa mga area na pinagtatapunan ng basura, at nakikita natin na kahit mga bata doon sila naglalaro. Ang mga magulang nila doon kumukuha ng pinagkakakakitaan. Positibo, in a sense na may mapagkukunan sila ng pangtawid nila ng gutom, NGUNIT! may iba pa namang paraan. 

We are proud that we are Filipinos but sometimes hindi nakikita sa gawa. Sana hindi lang tayo puro salita, dahil lahat tayo may magagawa, particularly in this kind of issue. 

Affected tayong lahat if hindi tayo gagawa ng aksyon sa bagay na ito. Posibleng makapag-dala satin ng sakit, baha, posibleng masira ang kalikasan at marami pang pedeng maging epekto. Bilang tao alam na natin itong lahat, ngunit nasaan? nasaan ang aksyon? 

This is an advocacy that everyone could follow, so that everyone would benefit. Malaking benepisyo ang makukuha natin kung tayo ay gagawa. 

Kahit simpleng pagtatapon lang ng balat ng kendi sa tamang basurahan. Kahit sa loob ng bahay maaari nating ipractice ang mga bagay na makakatulong sa pagpigil sa ganitong polusyon. 

Katulad pa din ng isang advocacy na "adopt a tree". Marami talagang paraan para masolusyonan pa. Hindi man mapigilan ng as in wala na, maiiwasan pa natin ang paglala.

IKAW ang tunay na SOLUSYON, hindi ang teknolohiya. Ang PAGMAMAHAL mo sa iyong bayan, sa iyong mundong ginagalawan. Konting PAGMAMAHAL kapwa ko Pilipino. Ito ang daan sa tunay na pagbabago. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento